On the return of Bangladeshi money and other related issues
On returning the stolen money
Kung magsasauli si Kim Wong ng pera, that’s good news. It should be welcomed. Magandang ehemplo yan para sa lahat.
On the root of the problem
Ang maganda lang na nangyayari sa hearing, ay unti-unti nang lumalabas ang katotohanan. Ang iba boluntaryong sinasabi, ang iba nabubuking. Sa tingin ko, hindi naman talaga Pilipinas ang puno’t dulo nito. To a great extent, naloko rin tayo. Una, may natulog sa pansitan sa Bangladesh Central Bank. Yung computers nila napasukan ng virus o malware. Sabi pa nga sa mga ulat, inside job. May kakuntsaba sa loob.
Pangalawa, binigyan ng go signal yung wire transfer ng New York Federal Reserve. Clinear nila. Pati yung mga US banks na unang pinagpasahan ng pera, nagbigay ng go signal. Bakit nalusutan ang verification process?
Pangatlo, ang mga masterminds nito, tingin ko, ay mga mainland Chinese. O nasa China. This has all the makings of a Made-in-China problem. Ang problemang ito nagmula sa labas, hindi sa Pilipinas.
On helping Bangladesh
Parang nasa dulo na tayo. Kung conventional bank robbery ito, yung mga robbers, hindi Pilipino. Yung kasabwat sa loob ng bangko, hindi Pilipino. Yung gwardya, hindi Pilipino. Yung getaway car, hindi Pilipino. Kaya lang ginarahe yung kotse sa isang talyer ng isang Pilipino. At tayong mga Pilipino lang yata ang tumutulong sa Bangladesh. Naghugas kamay ang New York Federal Reserve. Wala namang high-profile investigation doon. The early frantic calls of the Bangladesh Central Bank head were not even answered by New York. Kahit Chinese nationals ang involved, and I am not referring to Kim Wong, ni piyok sa Beijing wala tayong narinig. Lumapit lang ang isang bangka sa Panatag Shoal, nagtatatalak na sila. Pero dito na malaking pera ang nawala, wala tayong naririnig.