Transcript of DZMM interview with Senate Minority Leader Ralph G. Recto
Gerry Baja: Nagkaroon daw po kasi ng pagbabago ng isip ang Pangulong Rodrigo Duterte, na from Con-con, ay parang pabor na sya sa Con-Ass. Ano po ang reaksyon ninyo doon, Senator Ralph?
RGR: Tama, iyan ang balita ko and all I can do is react on that, dahil sila naman ang namumuno, hindi ba. Totoo naman na praktikal, mas praktikal ang Con-Ass. Pero syempre, marami din sa kababayan natin, mas gusto yung Con-Con. Totoo ‘yun, magastos. Yung Con-Ass, nandito na yung Kongreso, pwede naman ang Kongreso ang gumawa nyan. Nakalagay naman sa Saligang Batas yan.
Ang malaking issue dyan Gerry ay kung ang House at Senate–maliwanag sa Saligang Batas na three-fourths vote of all members eh. Do we vote separately or do we vote jointly? Yan ang unang dapat pag-usapan ng dalawang house.
Q: Hanggang ngayon po ba ay wala pang linaw yan, kung voting as one or separately?
RGR: Hindi maliwanag sa Saligang Batas yan. May mga probisyon sa Saligang Batas, gaya ng sa pagproclaim ng pangulo, hind ba? Magkasama kami in one physical house, but we vote separately. May mga pagkakataon sa Saligang Batas naman na magkasama kayo sa iisang bahay pero you vote separately, or posible you vote jointly. Dito hindi pa maliwanag.
Q: Ano pong posisyon nyo, Senator Ralph: should it be done separately?
RGR: Dapat it should be done separately–dahil kung hindi separately yan, magiging 24 lang kami plus the 300. Hindi maririnig ang boses ng Senado kung ganoon.
Q: Matatabunan kayo sa dami nila.
RGR: Matatabunan kami sa dami nila. So mas mabuti yung voting separately, if at all.
At gusto ko linawin, Gerry, para sa simula pa lang, maliwanang na. Marami sa pronouncements ni Presidente Duterte, sumasang-ayon tayo. At alam ko na may sinseridad ang ating Pangulo. Pero pagdating dito sa federalism, maraming issue yan. Hindi basta-bastang pwedeng pasukang bigla-bigla yan. So sa ngayon, ako’y tutol dyan sa federalism, at yung pagshift to parliamentary.
Yung parliamentary, nasubukan na natin yan noon Martial Law, hindi ba. At nasubukan na rin natin ang unicameralism noong 1935 to 1940, even prior to that. May dahilan kung bakit sa ating Saligang Batas ngayon, ang ating Senado, elected at large, para mas independent, para may check and balance din, di ba, with the executive, particularly the office of the President. Ang pananaw natin ay nationwide din eh.
Q: So hindi ho kayo naniniwala na ito ang kailangan natin, na sa ngayon, ito ang makabubuti sa bayan, ang pagshift to federalism?
RGR: Alam mo, parang labindalawang BBL din yan eh, hindi ba? Yung Autonomous Region of Muslim Mindanao, nung nakaraang taon lang, ipinag-debate yan–yung ARMM, yung BBL. So ngayon, parang labindalawang BBL, ayon sa mga nababasa ko sa pahayagan.
Remember, right now we have the barangay, munisipyo, siyudad, probinsya at nasyonal. Dadagdagan mo ng another layer of government–yung regional government. Ibig sabihin nyan, mas malaking gobyerno yan. Pag mas malaking gobyerno yan, mas maraming buwis yan. Pag mas malaking gobyerno, mas maraming permit at red tape yan. Maraming detalye pa ang dapat pag-usapan dyan.
Ano ang magiging responsibilidad ng regional government, vis-a-vis the province, the city, the municipality, the barangay?
Q: Maaring mas maraming buwis sa ilalim ng Federalism?
RGR: Tama ho iyon. Sa ngayon, ang pinag-uusapan, bibigyan ng taxing powers din yan. Sabi ko nga, mas malaking gobyerno, mas malaki ang buwis. Kung magdadagdag tayo ng gobyerno, mas maraming buwis yan.
Q: Dahil mayroon ding state government…
RGR: Katulad ng nabanggit ko, mayroon tayong barangay ngayon, may munisipyo at siyudad, provincial at national. In between the provincial and national, maglalagay tayo ng regional government o state government (sa ilalim ng federalism). Magkakaroon tayo ng gobernador sa probinsya. Halimbawa, sa Southern Tagalog, may limang probinsya yan. May gobernador ng gobernador pa ba dyan? Pag-uusapan natin ang lahat ng yan. Ibig sabihin, magkakadepartment din ang mga yan, magkakakonseho din yan.
Q: Ang punto ni Pangulong Duterte na mas mabilis na pagdadala ng serbisyo, lalo na sa malalayong lugar at hindi lang nakasentro ang kapangyarihan dito sa Metro Manila.
RGR: Pwede naman nating amyendahan na lang ang Local Government Code. Mayroon naman tayong Local Government Code, at dinevolve na natin ang ibang kapangyarihan dyan. Ang problema, hindi natin dinevolve ang pera. So pwede natin ireview ang Local Government Code para mas madali ang paghatid ng serbisyo–at matagal ko na rin namang sinasabi yan.
Halimabawa, sa budget natin sa taong ito, tatlong trilyon, labingtatlong porsyento lang ang napupunta sa lokal. Kung talagang gusto natin ng local autonomy at devolution, taasan natin iyon.
Q: Sa ilang proposal, 80% ang ibibigay sa bagong government at sa national ay 20% na lang.
RGR: What happens now to the national debt? Hahatiin ba yan sa mga federal states? Maraming usapan yan eh.
Q: Oo nga pala ano, yung utang ngayon na trilyon na—
RGR: –anim na trilyong piso ang utang ng ating bansa. Paano hahati-hatiin yan?
Pangalawa, hindi lahat ng development ng regions natin, pantay-pantay sa ngayon. Halimbawa, Metro Manila is 35% of GDP. Ang kayamanan ng ating bansa, 35%, nasa Metro Manila. 67%, nasa apat na region lang. Ang pinakamayaman ay ang Metro Manila. Pangalawa ay ang Region IV. Kalahati ang Region IV sa Metro Manila. Mas malaki naman ang Region IV sa Region III, at ang pang-apat ay ang Region VII. Pag pinagsama mo ang apat na rehiyon na yan, 67% ng kayamanan ng atin bansa yan.
So ang mangyayari dyan—sa ngayon, kung tutuusin, pabor sa Metro Manila yung federalism, kung totoo yun. Hindi na i-su-subsidize ng Metro Manila at ng ibang mga region yung ibang malalayong region.
Q: Oo tama, pa-kanya-kanya na kasi ang mangyayari.
RGR: Oo kanya-kanya na. Yun yung isa pang bagay, Gerry, eh. Tingin ko ang trabaho natin is to unite the country and not to divide.
Q: So sa ilalim ng federal system eh lalong madidivide, magkakabaha-bahagi ang ating bansa.
RGR: Tama yun. Parang ganun ang pagtingin ko dyan. Mas mabuti to unite the country, isang bandila tayo di ba? At tulungan ng mas mayaman ang mas mahirap.
Halimbawa, Region 4, Region 3 karamihan ng fees natin nanggagaling dyan, Metro Manila. At yung perang yan binibigay din natin sa iba-ibang rehiyon. Although National ang gumagawa hindi sa IRA. Dahil ang IRA ay 13% of the budget eh. Di ba?
Q: Senator Ralph, ilang punto na lang. Kung ayaw nyo ng federalism pero open po kayo at meron po kayong gustong mga pagbabago sa ating saligang batas?
RGR: Meron yung tungkol sa capital, halimbawa yung economic provision pero yung problema naman natin ay trabaho at yung kita ng mga manggagawa. So kung mas maraming capital ang pumasok, palagay ko mas uunlad yung ekonomiya. So dun pabor ako dun na merong pagkakataon na pwede tayong mag-amenda ng Constitution, ng Saligang Batas pagdating dyan. Isa pang dagdag na isyu yung West Philippine Sea, halimbawa.
Baka mamaya, ito ang maging alitan, na pupuwedeng magkaroon ng joint exploration ang ating bansa, ang Pilipinas, kasama ang Tsina, halimbawa, sa West Philippine Sea.
Sa ngayon ipinagbabawal ng Saligang Batas yan, na yung bansa natin, makipagkontrata sa ibang bansa. Understandable naman yan. Pwede lang tayo makipagkontrata sa isang foreign corporation.
Kung halimbawa, yun ang napag-usapan natin ng Tsina, na pupuwede sana na mag-usap na lang tayong dalawa at tignan natin kung papaano natin mapapakinabangan yung mga resources. Yun, baka pwedeng pag-usapan yun, bakit hindi? Para mapakinabangan natin lahat, kung ano man ang mayroon dyan na pinag-aawayan na mineral, langis, gas…
Q: Kasama na sa mga pagbabagong gagawin sa ating konstitusyon–
RGR: Kung saka-sakali, hindi ba? Bakit hindi–yun lang naman ang sinasabi ko.