Sanduguan ng One Batangas at Nacionalista Party
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Sa ating mga panauhin, tuloy po kayo sa Batangas. Ito ang duyan ng magiting, tahanan ng masisipag, balwarte ng mga astig, at lugar ng mga magaganda at makikisig.
Sa araw pong ito, lilikha tayo ng kasaysayan. Pero bago po natin gawin iyon, kailangan nating magbalik-tanaw.
Sapagkat ang dahilan kung bakit maaliwalas ang ating bukas ay dahil maganda ang ating nakaraan, at ang ating kinatatayuan.
Hindi maisusulat ang kasaysayan ng Pilipinas, na hindi kasama ang ating lalawigan. Wala pang Pilipinas, mayroon nang Batangas.
Una sa mga mauunlad na probinsya. Minsa’y naging coffee capital ng mundo.
Isa sa unang sumabak sa himagsikan laban sa mga Kastila.
Nang dumating ang mga Amerikano, tumiklop na ang lahat, ngunit no surrender pa rin ang Batangas. Wala sa katiting ang sinapit ng ibang bayan sa pahirap na tiniis ng mga Batangueño.
Daang libo ang nawalan ng buhay, pag-aari, kalayaan.
Dahil dito, puno ng mga Batangueño ang listahan ng mga bayani – Mabini. Malvar. Agoncillo at marami pang iba.
Pati ang watawat na sinasaludohan natin, made by a Batangueno.
Ang palabang diwa nito ay nagpatuloy sa susunod na mga taon, hanggang sa ngayon.
Sa halos siyamnapung (90) lalawigan, isa ang Batangas sa dalawang nag-ambag ng isang Presidente, isang Bise Presidente, dalawang speaker ng Kamara, at hindi lang isang Chief Justice, kundi tatlo.
Di mabilang ang mga senador. Sangkaterba ang nag-lingkod sa Kabinete. Isang aparador na mga heneral.
Pero hindi lang tayo una sa serbisyong publiko—una rin tayo, tayong lahat, mula pa noon, sa sipag, diskarte at tyaga.
Kaya naman ngayon:
Una tayo sa export processing zone output.
Una sa power generation. Kapag walang Batangas, brownout buong Luzon.
Magbanggit ka ng anumang industriya: motorcycle parts, semento, harina, daungan ng kotse, pagkain— babuyan, itlog, baka—sa feedmills na lang halos sisenta ang nandito— mayroon dito sa atin.
Pati sa pagproduce ng alak at sigarilyo, una ang Batangas, kaya nga tinutukso tayo na sin product capital of the Philippines.
Pero hindi tayo makasalanan, dahil una rin tayo sa dami ng simbahan, katedral at basilica, mula sa pinakamaganda hanggang sa pinakamalaki.
Kung tayo’y madasalin, marunong din tayo mag-enjoy. Kaya nga ang Batangas ang recreation and resort capital of the Philippines. Madaming golf courses, beach resorts, spas at iba pa.
Bakit nakamit natin ang mga ito? Dahil una tayo sa dunong at sipag sa negosyo at trabaho. At una sa malasakit sa ating mga katrabaho.
Kaya naman ang ekonomiya ng Batangas ay halos kasinglaki ng ibang rehiyon. We are an economic powerhouse. Self sustaining, self reliant. We can produce, but we consume.
Sa dami rin natin, isa tayo sa mga nangunguna sa bilang ng populasyon sa buong kapuluan. Dahil siguro tahimik si Mister, pero mahilig mangalabit si Misis.
Bakit tayo una sa lahat? Sapagkat inuuna natin ang interes ng nakakarami, bago sa sarili.
Kailangan natin panatilihin at paunlarin pa ang ating lalawigan, sapagkat maraming nagbabadyang suliranin sa isang mundong nagbabago.
Kaya kailangan nating pag-isahin ang ating tinig at pagsamahin ang ating lakas sa isang pinagsamang pwersa.
At ito ang One Batangas. One dahil buo – solid. One dahil nagkaisa – united. One dahil nauna – first.
We are united in our vision, we share the common values, we are joined by mutual goals, we aspire for one dream – and that is a nation where our children can live in peace, progress and prosperity.
But we cannot do it alone. So we have to forge solidarity with a party that likewise shares our aspiration. Because “if you want to walk fast, walk alone. But you want to walk far, walk together.”
And we have found our kindred partner in this journey to the future.
At ito po ang Partido Nacionalista.
Ang partido ni Jose P. Laurel at Claro M. Recto.
Ang partidong lumaban para sa ating kalayaan.
A party whose fighting motto is: “Ang Bayan, Higit sa Lahat.”
Country first, before self. That is also the Batangueño’s motto in its coat of arms.
Isang partidong hindi balot sa iilang kulay, kundi taglay ang kulay ng ating watawat.
Not one hue, but a rainbow of colors.
Isang partido na may puwang sa iba’t-ibang paniniwala basta ang mga ito ay para sa bayan.
At ang pagsanib natin sa Nacionalista ay hindi magpapabago ng ating mga batayang paninindigan. Hindi malulusaw o lalabnaw ang ating sagradong paniniwala.
Mananatili tayong kampeon ng karapatan ng mamamayan. Tagapag-bantay ng pambansang gastusin. Tutol sa buwis at mga singilin na pahirap, labis at di kailangan.
Hindi tayo bibitaw sa ating adhikain na kung sino ang salat sa buhay ay syang marapat pagkalooban ng tulong at malasakit. Tuloy-tuloy ang ating laban para sa edukasyon at kalusugan na abot kaya at de kalidad.
Titindig tayo kasama ang lahat ng Pilipino laban sa pagyurak ng ating soberanya, laban sa pagkabaon sa pambansang utang.
This is a party guided by principles, and moored in a set of philosophies, yet ecumenical enough to shelter the likes of a Cayetano and a Trillanes.
This is a party which does not require you to deposit your principles at the door, and pledge yourself to one strict and straightjacketed dogma.
Personally, ito ang partido ng aking ninuno. Ito ang partido na aking kinalakihan. Ito ang partido na naglakas loob sumuporta sa aking unang pagtakbo – noong ako ay isang bagito, hindi kilala, at kakaunti ang suporta.
Sumugal sa aking kinabukasan ang isang Doy Laurel, bise presidente, ako na dalawampu’t pitong taong gulang pa lang noon, at walang karanasan sa pulitika.
Ang pag-aruga at pag-ampon nya sa akin ay isang utang na kailanman ay hindi ko mababayaran.
On his deathbed, he entrusted the fate and the future of NP, the Grand Old Party, the party founded by Quezon and Osmeña, to Manny Villar.
It is my second homecoming to the party of the Rectos. And I plan to stay. Not as a leader, but as an ordinary footsoldier, who will march under the banner, under which millions Batangueños had fought in war, and peace, which says: “Ang Bayan Higit sa Lahat.”