2021 National Budget - DOTr

OCT
02
2020

Excerpts from the Committee on Finance [Subcommittee “K”] hearing on the proposed budget of DOTR and attached agencies

October 2, 2020

RECTO: Lahat tayo nagulat kahapon, marami tumawag sa opisina tungkol dyan sa beep card sa sumasakay ng bus. Ang budget ng DOTR last year ay about, this year and last year yung remainder mga P65B, may P140B next year, meron pa tayong roughly P10B sa Bayanihan 2.

Yung beep card kung di ako nagkakamali P80M lang ang pinaguusapan natin don.

TUGADE: Yes. Kanina ho napag-usapan namin, I cued yung aking mga kasamahan, sabi ko silipin kung yung beep card ay iliibre natin ay pwedeng makuha sa Bayanihan po.

RECTO:  Yan panawagan natin na dapat yan ay ilibre. Yung mga may sasakyan, pag pumunta ka ng SLEX, NLEX, yung RFID libre. Bakit hindi natin pwedeng gawing libreng yang beep card na yan e ang laki ng budget ng Dept. of Transportation?

TUGADE: Kaya nung malaman ko yan pinagpilitan kong gawing libre talaga yan. At kanina pinag-usapan namin kung saan pwedeng i-source ang funding nyan. Pwede naming silipin yung Bayanihan 2.

RECTO:  Sino nakikinabang sa P80M beep card?

TUGADE:  Pribado yan. Yung beep card sa train at riles matagal na kontrata na marerepaso I think itong taon na ito o sa susunod na taon. Yung beep card na plano para sa bus ngayon, ang namili ng provider yung bus operators, not DOTR. Nakausap ko na rin mga bus operators, sabi ko magtulungan kami para gawing libre ang beep card.

RECTO:  Sinasabi ng gobyerno, na tama naman, na cashless, kung maaari gawing electronic, so we are mandating mananakay na gamitin ito. Pero nagulat sila na may bayad pala. Baka naman yung bus operators, para wala na rin gastos ang gobyerno, baka pwedeng gawin nilang CSR nila, yung corporate social responsibility nila?

TUGADE: Napag usapan namin yung anggulo na yan. Kagaya nyo, nung nakita ko na merong advertisement don na nagsasabi pag empty maglagay ka P80, pag loaded maglagay ng ka P30, at kanina may bagong development- magbabayad ka ng convenient fee na P5. Sabi ko dapat hindi ganyan yan.

RECTO:   So maasahan natin yan? Ano kaya, simula bukas wala na yan?

TUGADE: Sabi ko kanina, kung magkakaroon ng  issue yung pag  implement ng beep card, sabi ko  palawigin nyo yan maski hanggang 5 araw or para ma achieve yung objective namin na gawing  libre sa mananakay.

RECTO:  Maraming salamat, Secretary. Aasahan po natin yan.

About the Author