Recto: Kung RFID libre, dapat libre din ang beep card
Senate Committee on Finance hearing on the proposed budget of the Department of Transportation
2 October 2020
Senator Recto: Panawagan natin na dapat ilibre na ang beep card. Pag pumunta ka sa SLEX at NLEX, yung (pagkabit ng) RFID libre. Bakit hindi natin pwede gawing libre ang beep card na ‘yan, e ang laki ng budget ng Department of Transportation?
Secretary Tugade: Nung malaman ko ‘yan, pinagpilitan kong gawing libre talaga yan. Nakausap ko na rin mga bus operators, sabi ko magtulungan kami para gawing libre ang beep card.
Recto: ‘Yung bus operators, para wala na ring gastos ang gobyerno, baka pwedeng gawin nilang corporate social responsibility (CSR) nila yan? So maasahan natin yan? Ano kaya, simula bukas wala na bayad ‘yan?
Tugade: Sabi ko kanina kung magkakaroon ng issue ang pag implement ng beep card, palawigin nyo yan maski hanggang 5 araw para ma-achieve ‘yung objective namin na gawing libre sa mananakay.
Recto: Maraming salamat, Secretary. Aasahan po natin yan.