NO TO LTO PENALTY FOR UNCLAIMED PLATES
Press Statement of Deputy Speaker and Batangas Rep. Ralph G. Recto
August 3, 2023
Mag hunos-dili sana ang LTO.
Ito’y kung totoo ang balita na nagbabalak itong pagmultahin ang mga may-ari ng mga sasakyang hindi pa kinukuha ang plaka mula sa ahensya.
Kay tagal hinintay ng mga motorista ang matagal ng bayad at pinakaaasam na mga plaka.
Kaya konsidersyon ang dapat isukli at hindi ang pananakot na kung hindi agad makuha, may parusa na dagdag singil na naghihintay.
Kung hindi nainip ang mga motorista sa mahabang lamay, bakit mag-de-demand ng ora-oradang pagtubos ang LTO na tila ba wala silang kasalanan sa pagkakaburo ng mga plaka?
Biro nga, maraming sasakyang higit isang dekada na ang tanda, butas na ang pagkakabitan ng plaka, pero ang plaka ay wala pa. Marami ring naibenta na.
Kung tutuusin nga, LTO ang dapat magbigay ng interes bilang danyos perwisyo sa pagkabimbin ng isang mahalagang katibayan ng pag-a-ari ng isang behikulo.
LTO should not push through with its reported plan to impose a fine on unclaimed car plates.
In the first place, the backlog is still big, and such move, it seems, is calculated to give the impression that car plates are a-plenty, when what is available barely scratches the surface of the shortage.
Blame cannot be transferred to motorists.
Car owners, in fact, have displayed patience in waiting for years for plates already paid for, without demanding for refund or interest.
LTO should reciprocate this forbearance with kindness and consideration, not with punishment, and, above all, with expeditious production and release of the car plates.
This long vigil, this long nightmare must be over soon.