Transcript of radio interview, DZRH, Joe Taruc
Transcript of radio interview
Office of Senate President Pro-Tempore Ralph G. Recto
30 March 2016
DZRH, Joe Taruc
On the signing into law of the PWD bill
Nagpapasalamat ako kay Congressmen Martin, Miro Quimbo, Senator Angara at sa ating Pangulo sa pagpirma ng panukala natin sa kongreso na bagong batas na dagdag na benepisyo para sa mga “Persons With Disability” (PWDs). I co-sponsored this bill on the floor of the Senate.
On the additional SSS Pension
Meron din tayong rekomendasyon sa ating pangulo na mag-issue na lang siya ng Executive Order kung namamahalan siya doon sa P2,000 (na umento) para sa mga SSS pensioners natin. Siguro naman kahit P1,000. Tayo po ang principal author niyan sa Senado.
Benefits under new PWD law?
Parehong-pareho po ng mga senior citizens. Ang dagdag lang dito ay kung ang pamilya mo ay nag-aalaga ng isang PWD, ang allowable (tax) deduction ay P25,000 sa isang taon. Tayo ang naglagay nun sa Senate version, wala sa House version iyan. Yang tax deduction batay po yan sa hiwalay na bill na finile natin at nagpapasalamat ako kina Congressman Quimbo at Senator Sonny na isinama yan sa final version. Ang ibig pong sabihin, ang kamag-anak na nag-aalaga ng isang PWD, anuman ang edad, basta within the 4th civil degree of consanguinity or affinity, ay pwede mag-claim ng additional P25,000 deduction. Mabuti na yung pamilya na ang nag-aalaga mismo nung PWD kaysa yung gobyerno. Isa pa pong inalign natin na benefit ay yung additional discounts sa funeral at burial services. Medyo nakaligtaan ito kaya, based on my representation, nasama ito during the Bicam.
Sila (PWDs) naman talaga yung marginalized sector ng ating lipunan at saka kaunti lang yan, kung tutuusin mga kulang-kulang 1.6 million sa buong Pilipinas.
Ang kailangan siguro dito ay pabilisin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas kasi kung walang IRR hindi yan mapapatupad agad. Trabaho ito ng DOF at iba pang mga ahensya. Sana naman bago mamaalam si Pangulo, nailabas na ang IRR para sa batas na ito.
On reports senior citizens are not enjoying full extent of benefits under the law
Siguro pagbalik natin sa Senado, i-double check natin lahat ito kung papano ini-implement ng ating gobyerno. Kung kailangang i-improve yung batas, i-improve yung batas, amyendahan natin para siguradong makinabang ang ating mga senior citizens.
Tama po iyun, para magkaroon tayo ng inclusive growth. Yun naman ang pinag-uusapan natin ngayon, gumaganda ang takbo ng ating ekonomiya at layunin natin na pakinabangan ito ng lahat ng sektor ng ating lipunan lalo na yung mga marginalized sectors, yung mga senior citizens na nag-ambag na sa ating lipunan at ganun din ang mga PWDs.
Next goal: Universal PhilHealth coverage
Mayroon din tayong bagong batas, nagawa rin natin noong nakaraang taon, na yung mga senior citizens ay dapat may automatic PhilHealth coverage, Batas Recto din yan. Eventually pagbalik natin sa Senado, hindi lang PWD (ang isasama sa automatic PhilHealth coverage) dahil kayang-kaya na ng pondo ng ating pamahalaan na truly universal health coverage. Bata man o matanda, may kapansanan man o wala, dapat automatic, basta ikaw ay Pilipino at nagkasakit ka, dapat may ayuda ang ating pamahalaan, may health insurance para sa iyo. Iyun naman talaga ang mandate ng PhilHealth.
At ngayon inilalagay na natin ang incremental revenue nung buwis sa sin products for health insurance. Ang panukala ko ngayon, lahat ng nakokolekta natin sa sin taxes, ilagay sa pangkalusugan. Pag iyan ginawa natin, mahigit P140 billion yan, covered na lahat ng Pilipino.
On the Senate probe on RCBC money laundering case
Meron dapat i-freeze mula sa Eastern Hawaiian Leisure Corp na kulang-kulang $4.63 million. Tapos ang sabi ni Kim Wong, may P40 million pa daw sa kanya or a little less than a million dollars at may nawawalang $17 million pa. Nakita ko naman iyun sa mga dokumento, maliwanag din yan. Hindi pinapalitan yan eh. (Inaudible)… Hindi rin napunta sa casino yan. Basta maliwanag na may $17 million somewhere.
Tanggap ko naman wala naman pupunta diyan sa Senado magsasabi at aamin diyan. Lagi they will all try to save themselves. Pero ang maliwanag dito para sa akin, hindi nila pwedeng ituro lamang si Maia Deguito, yung branch manager. Dahil unang-una, si Kim Wong yung mga pangalang binanggit niya kahapon, yung Gao halimbawa, ito ay player na niya ng mahigit pitong taon. Nalugi sa Solaire daw ng mahigit P450 million. Dito lahat nag-umpisa ang usapang ito. Tapos itong si Kim Wong ipinakilala itong tao na ito kay Maia Deguito, branch manager. Para bagang ipinatawag nila, para mabayaran din siya, nangako itong mga ito na magbabayad sa kanya (Kim Wong), plus may additional investment pa silang gagawin. At siguro may binabanggit sa kanyang malaking halaga, kaya nga sinabi niya hindi siya naniniwala hanggang nung mangyari, yun ang sinasabi niya kahapon. At sa katunayan, base sa ating mga dokumento, parang alam nila na may $1 billion na darating. Having said all of that, ipinakilala itong si Maia kay Gao. Anong pinag-usapan nila doon? Natural, gumawa ng mga account para pasukan ng perang iyan. So nagbukas ng limang accounts, pumasok yung pera. Maliwanag, it is a fact, pumasok yung pera doon sa RCBC, doon sa mga accounts na yan hanggang umabot sa may Jupiter branch.
May 2015 pa noong ginawa yung account. Ang maliwanag, alam nila na may papasok na pera kaya nagbukas ng account.
Kung tunay na person yung Gao na yan, yun ang isang lead na character, and I’m sure the FBI will be investigating this, international crime ito. Itong lead (character) na Gao na to, malamang kilala nito yung hacker. May mga kausap ito. Dahil alam nila noong mga araw ng February 4 or February 5 na darating yung pera. Si Kim Wong nasa sentro, nasa umpisa hanggang dulo dito, dahil of the P4 billion na halaga more or less $81 million, kulang-kulang tatlong bilyon, one way or the other, ang dumaan sa kanya. Siya rin ang beneficiary nun eh. Yung pumasok sa Solaire dahil junket operator din siya doon. May isang bilyon na pumasok sa Midas, junket operator din siya doon. Ang malaking bahagi dito ay napunta din sa kanila. Maliwanag. Kasama siya sa pagbubukas ng account, inamin na niya na nagbigay siya ng $2,500 para buksan yung mga account, opening balance, hanggang sa dulo, kulang-kulang tatlong bilyon natanggap nila. Yun ang bottom line diyan.
RCBC case stresses the need for DICT
Mayron tayong panukala para diyan, yung pagtatatag ng Department of Information and Communication Technology. Tinatanggal natin yung letter C sa DOTC, ihihiwalay natin yan. Hindi lamang ang layunin nito ay ang policing the internet, bawasan ang presyo, magkaroon ng libreng wi-fi sa kanayunan, kasama din dito yung cybercrime. Nakita naman natin ngayon na pwedeng nakawan ang bangko, hindi katulad nung dati na baril ang ginagamit, ngayon computer na lang, and they were successful. Kulang-kulang $1 billion ang plano na papasok sa Pilipinas, sa RCBC. Isang bilyong dolyar, 35 transactions, nakita na namin. Yun ang plano. Yung $81 million, panguna lang yan, limang transaksyon. $20 million pumunta sa Sri Lanka, yung balanseng $850 million sa Pilipinas uli. At nagawa yung transactions na yan ng dalawang segundo lang.