Committee on Justice and Human Rights Hearing on Extrajudicial Killings (EJK)
Sen. Recto (RGR): Mr. Chairman, I will focus on the resolution itself. Not so much on the credibility of the two other witnesses but on the extra-judicial killing and the vigilante killing.
Let me start by asking this question: SPO3 Arthur Lascanas, kailan ba itinatag yung Heinous Crime Section?
SPO3 Arthur Lascanas: 2001, your honor.
RGR: 2001. Bakit itinatag yung Heinous Crime Section?
Lascanas: Sa pagkakaalam ko your honor–
RGR: Naghahanap kayo ng patayan, mga rape, mga murder, mga nakawan, kaya itinayo, itinatag?
Lascanas: During the directorship of Senior Superintendent Garcia, your honor.
RGR: Ano ang dahilan, kung bakit itinatag? Laganap ba ang patayan, halimbawa?
Lascanas: Isa na iyon, and then yung robberies at mayroon ding kidnappings.
RGR: So laganap na.
Lascanas: Yes.
RGR: Okay. So 2001. So siguro kaya Heinous Crime ang pangalan, lahat ng krimen na iniimbestiga ninyo ay doon sa Heinous Crime.
Lascanas: Hindi naman po. Kung may complaint sa office, inaaksyonan rin namin, pero nirerefer po namin sa mga police stations.
RGR: Pero yung Heinous Crimes Section, palagay ko, sa pangalan pa lang, kaya itinatag, dahil mataas ang krimen. So hindi yung ordinary na kung anuman, hindi ho ba?
Ngayon, nabanggit ninyo kanina na lahat kayong miyembro niyan ay pulis. Pero sigurado ako na bilang pulis, may mga asset kayo.
Lascanas: Yes ho.
RGR: At ang mga asset ninyo, hindi nangangahulugang pulis, tama ho ba ‘yun?
Lascanas: Tama ho.
RGR: At sa pagkakaalam ko, ang karamihan ng mga asset ay mga kriminal din, hindi ho ba?
Lascanas: Mayroong iba, mayroon ding iba na plain civilian lang po. Pero halos…
RGR: Kundi pulis, sigurado, civilian eh. Pero hindi kayo kukuha ng asset–chances are, ang asset ninyo, kriminal din.
Ngayon, gusto ko lang maintindihan. Ilang porsyento ng mga krimen doon sa Davao noong panahong iyon, ng mga heinous crime, ay drug-related, natatandaan mo ba?
Lascanas: Siguro po, because of my position and rank…
RGR: …hindi mo masyado alam. General bato, would you know? Ilang porsyento ng heinous crimes ay drug-related?
PNP Chief Ronald dela Rosa (Bato): I cannot say, your honor.
RGR: So you don’t have the data?
Bato: I do not have the data right now.
RGR: Well, according to the former Chief PNP, 60-70 percent, or 65 percent drug-related.
Bato: [inaudible] …more or less 70 percent.
RGR: So noong mga panahong iyon sa Davao, ganoon din, 70 percent drug-related sa mga heinous crimes.
Bato: Most likely, your honor, dahil nationwide yung data.
RGR: Noong panahong iyon, SPO3 Lascanas, mayroon din ba kayong matrix? Halimbawa, ang pangulo ngayon, binabanggit, drug matrix. Noong panahon ninyo ba, mayroon din kayong matrix?
Lascanas: Yung authorized lang po your honor na may matrix, dati yung narcotics command, and then ngayon yung PDEA na.
RGR: Sa Heinous Crimes Sectiom, mayroon ba kayo?
Lascanas: Wala po.
RGR: Parang order of battle?
Lascanas: Yung order of battle po, doon po sa intelligence po.
RGR: May intelligence ang Heinous Crime Section?
Lascanas: Hindi po, sa Davao City Police Office po.
RGR: Maybe we can find out from General Bato.
General Bato, Chief PNP po kayo ng Davao, hindi ho ba? Mayroon po ba kayong drug matrix noon?
Bato: Wala pong drug matrix, your honor, pero mayroon kaming watchlist.
RGR: May watchlist kayo?
Bato: Watchlist ng mga drug personality, your honor.
RGR: Drug personalities. So parang ganoon na rin iyon. May watchlist, may drug-related, may listahan eh, ng pusher, ng user, more or less. What about, listahan ng mga guns for hire?
Bato: Mayroon din kami nung [955] your honor.
RGR: Si Matobato ba, nasa listahan ninyo ng guns for hire?
Bato: Hindi ko ma-remember, your honor. Pero naririnig ko–
RGR: –na posible na siya. Kasi parang natandaan mo nung nabanggit dito, di ba?
Bato: Pero hindi ko nakita officially doon sa listahan.
RGR: Okay. Ito, para maintindihan ko yung nasa isip ng ating kapulisan, maging sa SPO3 hanggang kay General Bato.
Halimbawa, may nahuli kayong kriminal, at siguradong-sigurado kayo na may ebidensya kayo at may ebidensya kayo. Masyadong matagal ba ang hustisya sa atin, ang sistema ng hustisya sa ating bansa? Halimbawa, sa prosecution pa lang, ano yung karanasan ninyo dun?
Lascanas: Your honor, based on my experience, usually po–hindi naman lahat pero usually–kulang po ang support ng prosecution.
RGR: Mayroon ba kayong nararamdaman na halimbawa, ito, sa tingin ninyo, shut case na ‘to, nahuli na namin ‘to, pinabayaan ng piskal. Or, in many cases, walang piskal, may naranasan na ba kayong walang piskal? Hindi naman. May piskal lagi. Pero parang hindi tumutulong, ‘yan ang sinasabi mo.
Lascanas: Isa ‘yan po, kasi parang menos ang guidance sa pulis.
RGR: Mairerecommend ba ninyo na dapat baguhin natin ang mga batas na yung piskal, tulungan yung pulis to build up cases? Kasi sa Amerika, kung hindi ako nagkakamali, ganoon eh.
Lascanas: Sa posisyon ko po, sa tingin ko is dapat sa higher-up magmula ang comment.
RGR: General Bato, ano tingin ninyo doon, sa nabanggit ko? Ngayon, hanggang sa region, General Bato, ilan bang porsyento ng mga korte natin, o siyudad/munisipyo ang may piskal? Marami pang walang piskal.
Bato: As I know, your honor, hindi masyadong kulang ang mga piskal natin.
RGR: Hindi masyadong kulang. Pero yung nakaraan?
Bato: Noong una, your honor, may mga problemado po, a long time ago.
RGR: Mayroon ba tayong data dito sa committee kung ilang porsyento ang vacancies ng piskal natin?
Bato: Magtatanong po ako sa DOJ, your honor.
RGR: Wala ho tayong kinatawan ng DOJ dito eh. Maraming kulang, hindi ho ba? Ang pagkaalam ko, malaki ang pagkukulang natin sa dami ng piskal. Ngayon, doon naman sa korte, ang alam ko rin, bente (20) porsyento ng lahat ng korte natin, walang judge. Nade-delay ang mga kaso kapag walang piskal at walang judge.
Having said that–at kung totoo man ‘yun–hindi kaya’t yung ating kapulisan naman, nahuli man ang kriminal, ang tagal ng hustisya, walang judge, walang piskal. Nawawalan ng loob sa paglaban, laban sa krimen. Posible bang dahil diyan, may mga extrajudicial killings?
I’ll direct this to SPO3 Lascanas. Hindi ko sinasabing ikaw ah, gusto ko lang maintindihan yung kaisipan ng ating kapulisan. Ganoon din kay General Bato. Kung sa tingin ninyong mabagal ang hustisya o walang hustisya, mayroon bang mga tipo ng kriminal na dapat hindi na ipaubaya sa korte, at patayin na lang.
Hindi ko tinatanong kung mayroon ka nang ginawa o pinatay–ang tinatanong ko lang, dahil sa katagalan ng hustisya, napag-uusapan ba ninyo ‘to? Sa mga kapulisan, mga kaibigan, pagka wala kayong trabaho, nag-iinuman lang kayo, halimbawa, o nagto-tong its kayo, na sobrang tagal ng hustisya, itong mga kriminal na ito na nasa battle order o kung anuman eh dapat ‘tong mga to pinapatay na lang. Yung mga ganoon ba. Ni minsan wala kayong napag-usapan na ganoon?
Lascanas: At certain times ‘pag drinking session–
RGR: Oo, yung mga ganoon lang.
Lascanas: Hindi ho ‘yan maiiwasan yung mga halimbawa na ma-discourage ka sa serbisyo.
RGR: Madalas ba ‘yan na nadi-discourage kayo sa serbisyo?
Lascanas: Especially po magkalaban po sa kabila. Yung kaso magaling ang abogado, talaga pong wala kang laban. Mayroon ‘yan, hindi man ‘yan na-sikreto yan. Open ‘yan sa kapulisan.
RGR: ‘Yan, sa kapulisan. So naiisip yan, di ho ba? Ngayon kung kayo pulis at ‘yan ang nararamdaman ninyo, yun pa kayang civilian? Asawa ng, asawa na namatayan ng asawa o magulang na na-rape yung anak.
At alam walang hustisyang makukuha sa ating pamahalaan, at dahil dyan vigilante killing ang gagawin, babawian nalang yung kalaban n’ya. Maaring kabarangay niya o kababayan niya, kukuha ng sarili n’yang hustisya. Sa tagal ninyo sa serbisyo marami bang ganyan?
Lascanas: In my case po, wala po.
RGR: General Bato, same question for you. Mayroon bang mga kriminal na paminsan-minsan pag kayu-kayo magkakasama lang napag-uusapan ninyo, di ko sinasabing ginagawa ninyo o ginawa ninyo ha. Yung damdamin lang, itong mga taong ito pinapatay na ito eh. Paulit-ulit na lang ‘yan, nakakalabas. nabayaran yung judge, nabayaran yung piskal o kung ano man whatever that situation is. Napag-uusapan ba, may huntahan ba kayong ganyan?
Bato: Normal po ‘yan your Honor.
RGR: Normal.
Bato: Maraming beses na po naming napag-uusapan yan.
RGR: Maraming beses.
Bato: Yung frustration kasi papasok, not really na matagal yung hearing during trial nung kaso, kundi yung complete reversal nga ng what we expected your honor. Halimbawa na-dismiss yung kaso eh napaka-strong ng case na prinisinta namin so frustrated yung police.
RGR: Frustrated yung police.
Bato: Frustrated yung police, Napag-uusapan namin.
RGR: So napag-uusapan. Dapat pinatay na ‘yan parang ganyan.
Bato: Parang ganyan pero hindi namin gagawin ‘yan Your Honor.
RGR: Alam ko, alam ko. Hindi ko sinasabi na gagawin ninyo yun. Tama, okay. Ngayon nung panahon sa Davao, sinasabi natin na success story ang Davao at ako naman I’ve had the experience of visiting Davao many times, hindi lang sa kampanya kahit nung nanalo na.
At alam ko naman by and large pag kinakausap ko yung mga tao dun, in the streets, personal kong karanasan so I could share with you. So anung naging sikreto nun? Posible ba ang sikreto nun, anong pananaw ninyo, General Bato? Na ang leader na kailangan natin ay may kamay na bakal, tama ho ba yun? Importante sa leader natin na may takot ang tao at may kamay na bakal. Tama ho ba yun?
Bato: Yes, your Honor.
RGR: Mahalaga yun?
Bato: Yes, your honor.
RGR: Pwede naman sila kumain. Okay let me wind up. So nabanggit ninyo na mahalaga yung may kamay na bakal at kung isang daang milyong Pilipino tayo at palagay ko milyon din naman sa Davao di ho ba?
Kailangan may takot sa leader ang tao, ‘yun ang sinasabi ninyo. Mayroon ding sinabi sa akin ang ama ko kasi ang ama ko diktador din sa bahay namin kaya may kasabihan sa bahay namin, at ako diktador din ako sa pamilya namin. Fear is the beginning of wisdom.
Kelangan may takot. Having said that, sa Davao ang mga tao dun mahal si Mayor Duterte at may takot kay Mayor Duterte tama ho ba yun?
Bato: Tama po ‘yun Your Honor.
RGR: Okay, dito ngayon, naririnig natin binabantaan niya ang mga kriminal, binabantaan niya ang mga drug pusher pati ang drug user at dahil dito alam ko rin tumaas ang presyo ng droga. And in many instances, hindi din makakuha ang mga user, bali-balita ko lang.
But on the other hand, mahigit 1,200 na yung namatay, operations with the police. Mas nababahala ako dun sa 1,800 mahigit yung vigilante killing. Yung mga may pangalan, may mga karatula o may mga tape o kung ano-ano pa, yun ang kapalit. Mahigit tatlong-libo pero ang tao may takot at nabawasan ang droga at tumaas ang presyo, yun ang kapalit.
Sa tingin ninyo yung tatlong libong ‘yan papalo ba ‘yan ng sampung libo, isang daang libo hanggang anong numero kaya ‘yan General Bato? Kailangan continous ang takot, may shock and awe, di ho ba?
Bato: Mahirap mag-speculate, your honor.
RGR: Pero kung may 45,000 tayong baranggay at kung sinasabi ninyo 70% or isang drug addict lang kada baranggay o pusher. 45,000 na yan. Kung isang tao mamatay kada baranggay 45,000 yun, di ho ba?
Bato: Yes your honor. Pero di man siguro mamamatay yung addict, your honor, kung di siya pusher at na-i-entrap at lumaban.
RGR: Pero sabi ko nga hindi lang naman yung lumaban, yung vigilante killing din di ho ba? To wind up siguro yung isang mahalaga dito sa ating committee ay tignan din natin, yung kakulangan din natin, hindi lang yung gamit ng pulis, kundi yung kulang sa prosecutor, kulang sa judges, baka mamaya mayroon tayong nagawa doon. At yung relationship din ng prosecutor at ng mga kapulisan natin. To help in building up the case, moving forward.
At huling-huli na lang, General Bato, nakikita na natin na ang ating bansa ay napag-uusapan sa buong mundo. Marami nang publications ang sumusulat sa mga pangyayari dito sa atin.
I am sure, without a doubt, walang utos ang ating pangulo na patayin ninyo ang mga taong ‘yan. Pero ang hinahanap din ng taongbayan, sinusuportahan namin kayo, dahil ang outcome ng ginagawa ninyo, sa ngayon ay nakakatulong sa bayan. Dahil nabawasan ang krimen sa kalsada, tumaas ang presyo ng droga and in many instances, walang makuhang droga. So, congratulations to you on that effort.
Having said that, hindi rin naman natin gusto na madagdagan yung tatlong libong namatay hanggang umabot ‘yan ng isang daang libo kung saka-sakali.
Ang pinakamahalaga diyan–naiintindihan ko, kung lumaban sa pulis, patayin ninyo, o patayin ninyo kun kinakailangan. Pero yung vigilante killings, you may win the war against drugs, pero kung mawawala ang respeto ng tao sa law and order, mas malaking problema iyon.
Thank you very much, Mr. Chair.