Recto: Pagsunog sa Abante gawaing duwag
Ang pagsunog sa imprenta ng Abante ay kagagawan ng mga duwag at takot sa katotohanan.
Ito ay pakana ng mga taong nangangamba na ang madilim nilang mga gawain ay mabibisto ng liwanag ng sulo ng malayang pamamahayag.
Hindi nila alam na batay sa ating kasaysaysan, ang taktika ng panunupil at pananakot ay hindi nagtatagumpay.
Nananawagan ako sa ating mga kapulisan at mga awtoridad na ipamalas na karapat dapat nga silang tumanggap ng tiwala at buwis ng taumbayan sa pamamagitan ng agarang paglutas ng krimen na ito at paghuli sa mga salarin.
Anumang atake sa mga mamamayahag, saan man ito sa Pilipinas, ay dapat mabilis na maparusahan, sapagkat kung hindi, ito ay nagpapalakas loob lamang sa mga kaaway ng katotohanan na ituloy ang kanilang maitim na balak.
Mali ang kanilang akala na kapag naabo ang palimbagan ay makikitil na rin ang ilaw ng katotohanan.