Good news sa ating mga magsasaka
Magiging batas na ang panukalang nag-aabswelto sa agrarian reform beneficiaries mula sa pagkaka-utang at pagbabayad ng buwis sa lupang iginawad sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ito’y matapos ratipikahan ng Kongreso at Senado ang bicam report ng House Bill 6336 at Senate Bill 1850 na nagpapalaya sa CARP beneficiaries sa pagkakabaon sa utang, interest at pagbabayad ng estate tax sa mga lupang ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
DAHIL SA BAGONG BATAS:
- 610,054 magsasaka/CARP beneficiaries ang makikinabang
- P57.5 bilyong pagkakautang nila ang buburahin mula sa higit 1 milyong ektarya ng agrarian reform lands na pinagkaloob sa magsasaka
SA PAGSALO NG PAMAHALAAN SA BALANSE NG UTANG SA ILALIM NG VOLUNTARY LAND TRANSFER AND DIRECT PAYMENT SCHEME NG AGRARIAN REFORM PROGRAM:
- 10,201 agrarian reform beneficiaries ang direktang makikinabang
- P206,247,776.41 ang babayaran ng pamahalaan sa landowners para sa 11,531.24 ektaryang lupain
“Malaking tulong ito sa mga magsasaka upang maka-ahon sila sa pagkakautang gawa ng lupang ibinahagi sa kanila sa ilalim ng agrarian reform program. Lahat ng utang, interest at estate tax na hindi nila nababayaran alinsunod sa CARP ay pinapatawad at binubura na bilang karagdagang suporta sa ating agrarian reform beneficiaries.” – Cong. Ralph G. Recto (Principal Author, House Bill No. 6336)