Transcript of interview with Senate President Pro-Tempore Ralph G. Recto after the DOF budget hearing
Transcript of interview with Senate President Pro-Tempore Ralph G. Recto
after the DOF budget hearing
(Recto is the chairman of the Senate Finance Sub-Committee C)
(Re: DBP/Landbank budget)
RGR: Ang ipinaliwanag lang natin dito, napakadali para sa gobyerno na gastusin ang pera ng taongbayan. Katulad ng proposal na bigyan ang Landbank at DBP ng P30 billion, katumbas na yan ng P30 billion ng income tax reform.
Hindi naman nila maipaliwanag kung bakit kailangan talaga ‘yang P30 billion na ‘yan, eh di sana ibalik na lang namin sa mamamayan. Ganoon ka-simple lang yung pinapakita natin dito.
Ang halaga nung tax reform ay kulang-kulang P30 billion. Ipinapakita ko na there is one item in the budget–ganoon kasimple lang ‘yun–na P30 billion na sinasabi nilang gagastusin nila para ibigay sa Landbank at DBP na maliwanag naman na hindi kailangan. Sana ibigay na lang ‘yan sa taongbayan, ibalik na lang sana.
(Re: PNoy’s rejection of tax reform)
RGR: I respect what the President said, naiintindihan ko siya. Hindi lang kasi ipinaliwanag sa kanya nang mabuti ng mga kasama nya sa Gabinete. Halimbawa, walang apekto sa credit rating dahil ang P30 billion 0.2% lang ng GDP.
At sabi ko nga, itong P30 billion na ito, ay katumbas ng proposed budget na ibibigay sa Landbank at DBP. Katumbas ito eh, ‘yun ang puntos na ipinapakita natin. We’re hoping that the President, titignan itong mga bagay na ito. But I’m supportive of the President. Sana mapaabot sa kanya ang tamang impormasyon.
(Is there enough time to pass the measure if it had PNoy’s support?)
RGR: Basta suportahan ng Presidente, agad-agad maipapasa ‘yan. Isang buwan lang, mapapasa na ‘yan. Kung hindi naman, worst case scenario, itinutulak ko rin ito sa loob ng Liberal Party para maisama sa plataporma ni Secretary Mar. Isusulong ko ang programa na ito.
(Kapag nagkaroon daw ng tax adjustment para sa fixed income earner, ang tatamaan naman ay ‘yung mga self-employed)
RGR: Walang kinalaman dito. Karamihan ng nagbabayad ng buwis na ito ay fixed income earner, iyung kaltas sa sweldo, at iyon sa tingin natin ang dapat tulungan.
(Sabi ng Finance Sec, pag nagkaroon ng reform, ita-try i-balance out yung equation…)
RGR: Ang sinasabi nya is iyung hindi nagbabayad na fixed income earner, marami iyon, at iyon ang gusto nilang habulin. At tama lang naman yon kung hindi nagbabayad nang tama.
(Sa Mamasapano…)
RGR: Ako ang sinasabi ko ilabas na lahat ng ebidensya. Ang alam ko diyan may mga litrato, GoPro, video hindi lamang mula sa drone, kundi pati sa ibaba. As much as possible, ilabas na lahat para matapos na ang usaping ito. Iyan ang personal na paniniwala ko. Sa lahat ng nakausap ko sa pagdinig sa Senado, maliwanag na ang SAF ang pumatay kay Marwan.
(Reopening of investigation?)
RGR: I think the Executive is doing its own investigation. But I’m in favor. I think the Senate is a good venue, tutal we already investigated that. Kung may bagong ebidensya, if there’s anything new na maipapakita nila, we’re always open to look into that.
(Will you be there or were you invited dun sa announcement ni Sen. Poe bukas?)
RGR: No, I was not invited, but I wish her all the best.
(Na-invite ba kayo na sumama sa senatorial slate nya?)
RGR: Nabasa ko sa pahayagan na kasama tayo. Maraming salamat. We accept all support.
(Yung sa LP po, si Rep. Leni Robredo na po ba ang VP?)
RGR: Wala akong balita. But she will be a good candidate.
(May formal offer na po ba sa inyo?)
RGR: Wala pang formal offer. Ang alam ko ay ang nasa mga pahayagan lang. Nagpapasalamat tayo.