4Ps Parent Leaders Congress & the conferring of “Batangas Adopted Daughter” award to DSWD Sec. Dinky Soliman
Mga kapwa kawani sa gobyerno, mga kapwa ko Batangueño, mga panauhin, mga kaibigan, mga mahal kong kababayan:
Alam po natin na madalas tayong dapuan ng kalamidad.
At hindi lang ordinaryong mga sakuna, pang-world record pa.
Pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan, pinakamatinding baha, pinakamalakas na pagsabog ng bulkan – lahat ‘yan natikman nating lahat.
Toll gate ang Pilipinas sa expressway ng bagyo, at ang mga bulkan nito ay tila bang nakahilerang mga kalan. Tingnan n’yo na lang: ang probinsyang ito ay napapaligiran ng tatlong pugon – Taal, Makiling, Banahaw.
Pero hindi lang natural disasters ang bumubugbog sa atin. Ang iba ay gawa ng tao o dulot ng isang hindi pantay na lipunan.
Isa sa pinakamatinding kalamidad ay kahirapan. At ‘yan ang pinakamahirap labanan.
Lumilipas ang bagyo, humuhupa ang baha, naaapula ang sunog, pati palpak na pamamahala ay may katapusan. Pero ang kasalatan sa buhay, minsan pangmatagalan.
Ang kawalan ng pagkain sa mesa ay kalamidad rin. At mas maraming namamatay sa gutom kaysa sa bagyo.
Ang magkasakit na walang gamot ay kalamidad rin. At mas maraming pinahihirapan ang sakit kaysa baha.
Ang kawalan ng pang-enroll sa paaralan ay kalamidad rin. At mas malupit ang kawalan ng dunong dahil sa kahirapan kaysa sa kawalan ng tubig dahil sa tagtuyot.
Mabuti na lang at mayroon tayong mga ahensya, na kahit paano’y kayang ibsan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay.
Isa na dito ang DSWD.
Mabuti na lang at mayroon tayong mga kawani ng gobyerno na handa tayong damayan.
Isa na dito si Dinky.
Kaya nga daw kung may bagyo o sunog, ang sigaw ng mga bayan ay hindi “Darna!” kundi “Dinky!”
Kahit na si Darna ng Batangas, ‘pag may problema, ang isinisigaw n’ya: “Dinky, ang ayuda!”
But Dinky Soliman would be the first to dispute my assertion.
She doesn’t believe that programs must depend on personalities. She believes in the kind that harnesses the best in people.
She doesn’t believe in a kind of assistance that merely gives temporary relief to those who suffer. She believes in a kind that permanently releases them from suffering.
She doesn’t believe in programs that treat the symptoms. She believes in ones that cure the source.
She doesn’t believe in programs that promote dependency. She will only implement ones that empowers oneself to be self-reliant, and ones that push people to make dignified recovery.
And these are personal beliefs of hers, which have become the cornerstone of DSWD philosophy.
‘Yan po ang paniniwala na hindi gobyerno ang solong magliligtas sa tao mula sa kahirapan, kundi ang tao mismo, at tutulong lang ang gobyerno.
Kaya naman, ang CCT natin ay may kaakibat na mga kondisyon at alituntunin. Kapalit ng tulong, may responsibilidad na dapat gampanan.
Kaya naman, ang mga proyektong pamayanan sa ilalim ng KALAHI-CIDDS-NCDDP ay hindi lang pondo ng gobyerno ang puhunan, may pawis at partisipasyon na dapat i-ambag ang mamamayan.
Kaya naman, ang supplementary feeding ng DSWD ay hindi lang pagkaing isusubo na lang ng mga bata, may papel ang mga magulang sa pagluluto at paghahanda.
Kaya naman, ang Sustainable Livelihood Program ay hindi lang nagmumula sa pamahalaan ang kapital, may puhunan din na dapat ilagak ang nakatanggap.
Kaya naman, ang Senior Citizen Pension ay hindi lang basta ipinamumudmod, pinipili kung sino nga talaga ang tunay na nagdarahop.
Kaya naman, ang tulong kung may kalamidad ay hindi lang dumarating sa loob ng isang grocery bag, kadalasan may kasama itong cash-for-work program, upang sabay maibangon ang tao at ang bayan.
Ganyan po ang template ng isang magaling na social protection program. Sabay inaangat ang katayuan ng isang mamamayan at ang kanyang kamulatan at kakayanan.
Na para bang sa simula aakayin ka ng gobyerno, pero sa kalaunan ay aasa ka na sa sariling mong lakas. Ganun naman po talaga ang rehabilitasyon ng mga taong napilay, di po ba? Hindi pwedeng may permanenteng saklay. Kailangan tumindig kang mag-isa.
Because you and I know that any type of aid that promotes dependency does not liberate the person but only makes his enslavement permanent.
Kaya po fan ako ng Dinky Soliman’s PPP School. O yung Public-People-Partnership Dinky-style.
Kasi ito ang tunay na people empowerment. Kasi nakikita ko kung gaano kaepektibo ito sa pagbibigay ng pag-asa at pagbabago sa ating mga mahihirap.
So today, we are honoring Dinky with the highest award that we in this province can confer, not just for her services to the Republic, or for her lifelong work among and with the poor, but for writing the government program on how to help them and by showing that it works.
Hindi rin po biro ang mamahala ng napakaraming programang napapakinabangan ng napakaraming mamamayan.
The DSWD’s budget increased almost eightfold during her watch, from P15 billion in 2010 to P108 billion this year.
Its clientele has increased in geometrical proportions as well.
DSWD now oversees a payroll bigger than that of the national government.
In CCT alone, it releases monthly stipends to 4.420 million households, isang bilang na apat na beses ang laki sa dami ng empleyado ng pambansang pamahalaan.
In addition, it provides monthly pension to 939,000 senior citizens, isang bilang na halos walong beses ang laki sa ating Sandatahang Lakas.
Higit-kumulang sa P68 billion ang ginagasta sa dalawang programang ito taun-taon. Kaya nga may biro na ang ibig sabihin daw ng DBP ay Dinky’s Bank for four Ps.
Ang DSWD din ay mistulang isang fast food restaurant na naghahain ng milyun-milyong mainit at masustansyang pagkain araw-araw. Sa school feeding program nito ay naka-enroll ang dalawang milyong bata.
Pero pagdating sa CCT, hindi lang mistulang ATM ang DSWD. Pagdating sa pagkain, hindi ito parang cafeteria lamang.
Alinsabay sa pagbibigay ng tulong, ay tinututukan ng DSWD ang pag-unlad ng mga nakatatanggap. Kahit sa pagkain, sinusukat nito ang timbang ng mga bata.
Ibig sabihin, tulong na ginagabayan, hindi pinababayaan, pag-alalay na hindi binibitawan. Pagbigay ng oportunidad na may kasamang dignidad.
Anyone who manages these programs must have a head for logistics and a heart for the people.
The scope of its operations is breathtaking. The DSWD is present in every barangay. It touches the lives of millions and it measures the progress of each one.
Hindi pa kasama dito ang mga biktima ng mga kalamidad.
Kasi kapag may sunog, kasunod ng DSWD ang bumbero. Kapag may bagyo, kasunod ng buntot nito ang DSWD. Kapag may baha, ang mga kawani ng DSWD ang unang nababasa.
But DSWD’s mandate goes beyond proving aid and relief. It is now focused on building the resiliency of the people whether it is against disaster that destroys their property, or from poverty that blocks their progress.
It is no longer merely the charity arm of the government and neither is it its CSR unit. It has become a frontline agency that works and walks with the poor towards their liberation.
And in the forefront of this agency is a lady, small in frame but big in dreams, who talks the walk and walks the talk on people empowerment.
She has more skills than the color streaks in her hair, the different hues of which represent her belief in bringing together people of various persuasions under rainbow coalitions.
Ang DSWD, mga kababayan, ay may 4 Ps lamang.
Pero ang pinuno nito ay higit pa sa 4 Ps ang katangian.
Siya ay may Paninindigan, Pagkalinga, Pagmamalasakit, Paglilingkod, Paggabay, Pagmamahal, Pagtulong, Pag-aruga sa kapwa.
Na siya ring mga katangian ng isang Batangueña.
Sa mga nangangailangan ng tulong, siya’y madamayin. Pero kung alam n’yo ang makulay na talambuhay nya, kung paano nya ginamit ang tapang at talino upang ipagtanggol ang mahihirap at inaapi, kung paano nya inalay ang kanyang buhay sa paninilbihan sa mga walang lakas,yaman o poder, hindi mo pagdududahang taal na Batangueña siya.
Kahit ang kanyang galing sa pag-aanalisa ay kasing talas ng balisong.
Kaya mga kababayan, iginagawad natin kay Corazon Juliano Soliman ang dangal na pagiging anak ng dakilang lalawigan ng Batangas.