Recto: Mabilis na paglabas ng IRR ng bagong PWD law, ipinangako ni Dinky
Mga taong may mental illness, saklaw ng batas
Nagbitaw na ng salita ang miyembro ng Gabinete na mangunguna sa pagsusulat ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Expanded Persons with Disability (PWD) Benefits Law na ito ay mabilis na mailalabas, bagay na lubos na ikinatuwa ng pangunahing may-akda ng batas sa Senado.
Sa isang pahayag na ipinadala sa tanggapan ni Senator Ralph G. Recto, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman na agarang ikokonsulta ng DSWD sa mga “concerned government agencies” ang pagsusulat at paglalabas ng IRR ng bagong batas upang masiguro na ang mga PWDs ay makinabang agad sa kanilang mga bagong benepisyo.
“Ako ay natutuwa na binitawan ni Secretary Dinky ang pangakong iyan. I am looking forward to the express delivery of the IRR,” ani Recto.
Ipinaliwanag ng senador na ang IRR ay isang “crucial missing link” dahil alam naman ng lahat ang realidad na ang mga batas ay maipapatupad lamang matapos mailabas at maaprubahan ang IRR nito.
Ang kapipirma pa lamang na Republic Act 10754, o “Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability,” ay ipinupukol ang responsibilidad sa DSWD na pangunahan ang paggawa ng IRR, na may masusing konsultasyon sa Department of Health (DOH), Department of Finance (DOF) at sa National Council on Disability Affairs (NCDA).
Ikinatuwa rin ni Recto ang pagsisiguro ni Soliman na hindi lamang ang may mga pisikal na kapansanan ang magiging beneficiaries ng batas kundi pati na rin ang may mga psychological disability at ang mga nag-aalaga dito ay makikinabang sa RA 10754.
“Aside from the physiological disabilities, there are also psychological disabilities which should be taken into consideration in the IRR,” ani Soliman sa kanyang pahayag.
Dagdag pa ni Recto, ang pagsasama ng mga may kapansanan dulot ng sakit sa pag-iisip sa sakop ng batas ay naaayon sa tunay na diwa nito at “in concurrence with the spirit of the law as envisioned by the authors.”
Ayon sa datos ng pamahalaan, ipinaliwanag ni Recto na mental illness ang pangatlo sa pinaka-common na uri ng kapansanan, pangalawa sa visual at hearing impairments.
Isa sa 14 na PWDs, o 133,407 sa 1.88 milyon na naitala sa 2015 National Census, ay may mental disability.
Lahat ngayon sila ay mabibigyan ng sales at tax discounts ng hanggang 32 percent sa mga piling bilihin at serbisyo.
Ibinibigay din ng RA 10754 ang P25,000 personal income tax deduction sa mga nag-aalaga sa mga may kapansanan, dagdag pa ni Recto.
“A child, parent, sibling, or a relative of up to the fourth degree of consanguinity or affinity who is caring for or living with a PWD, who in turn is chiefly dependent on the relative and incapable of self-support, can claim additional tax exemption,” anang senador.
“Kung kasama ang fourth civil degree of affinity, kasama dyan ang parent-in-law o biyenan ng taxpayer, hanggang first cousin-in-law.”
Ang tax deduction na P25,000 kada taon para sa mga “PWD caregivers” ay pareho ng binibigay para sa mga magulang na may anak below 21 years old.
Inaamyendahan nito ang National Internal Revenue Code of 1997 at pinapayagan na ideklara ng mga individual taxpayers na nag-aalaga ng PWDs na italaga silang dependent.
Pinasalamatan ni Recto sina Reps. Martin Romualdez, Miro Quimbo at Speaker Sonny Belmonte sa pangunguna sa pagpapasa ng bagong PWD law sa Kamara at sina Sens. Sonny Angara, Nancy Binay at Bam Aquino sa bahagi naman ng Senado.
RELATED ARTICLES:
-
27 OCT 2016: DSWD, DOF reminded: Magpa-Pasko na, wala pa ring implementing rules ang PWD law?
-
20 AUG 2016: Before pitching new taxes, Palace must first issue rules on new PWD, balikbayan box laws
-
22 JUL 2016: Lack of IRR bogs down PWD law’s implementation
-
06 MAY 2016: Recto: Discount para sa PWD inutil ‘pag walang IRR
-
05 MAY 2016: Recto twits gov’t: Proc of new prexy might come ahead of rules for new PWD law
-
06 APR 2016: Recto: Dinky vows fast release of PWD law’s IRR
-
30 MAR 2016: Recto: P25,000 tax break for PWD caregivers
SENATE BILLS/AUTHORED LAWS:
-
21 JUL 2016: Senate Bill No. 796: Mandatory Philhealth Coverage for All PWDs Act of 2016
-
23 MAR 2016: Republic Act No. 10754: Additional Benefits for Persons With Disabilities (PWD)